Takot
Bakit ka ba takot na takot?
Sa dami ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa matatakot? Bakit ka ba natatakot?
Dahil sa pwersa ng galit na kailangan mong saluhin? Ano na ba ang mga sinalo mo? Tandaan mo, mas mabibigat pa dyan ang sinalo mo at ang lahat ng iyon, sinalo mo ng mag-isa.
Wag mong iwasan ang pagharap sa kinakatakot mo. Natatakot ka kasi baka magkamali ka. Hindi ba lagi ka naman nagkakamali? Buhay ka parin naman di ba? Sugat sugat pero buhay pa.
Wag kang matakot harapin ang kinatatakutan mo. Kung natatakot ka magkamali, kung natatakot ka masaktan, kung natatakot ka mapagalitan, isipin mo na ang pagkakamaling yan, yang takot na yan, yang galit na yan, hindi naman huhupa ang epekto nyan bukas o sa makalawa o sa isang linggo. Hahaba lang ang parusa sayo dahil hanggang hindi dumadating ang bukas, ang makalawa, ang isang linggo, hindi mawawala ang takot mo.
At para hindi ka matakot, gawin mo ng tama. Kung nasa tama ka, wala kang dapat ikatakot.
Wag ka nang matakot. Walang dapat ika takot.


